Ipinahayag kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kolehiyo, at institute ng Amerika para hubugin ang mga talentong Tsino sa larangan ng lipunan at kabuhayan.
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo si Li kay Lee C. Bollinger, Pinsipal ng Columbia University ng Amerika. Nagbigay si Li ng positibong pagtasa sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa edukasyon. Hinangaan din niya ang mga kooperasyon ng Columbia University at mga kolehiyong Tsino sa pagtuturo sa mga talento at akademikong pagpapalitan.
Ipinahayag naman ni Bollinger na pinahahalagahan ng kanyang pamantasan ang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya siyang magbigay-tulong sa Tsina sa pagtuturo ng mga talento para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Bukod dito, nakahanda aniya siyang magsikap para palalimin ang pagkaunawa ng mga bansang kanluranin sa tunay na kalagayan ng Tsina.