Ipinahayag kahapon ni Walid Muallem, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Syria, na nakahanda ang kanyang pamahalaan na lumahok sa talastasang pangkapayapaan na idaraos sa huling dako ng buwang ito sa Geneva.
Winika ito ni Muallem habang nakikipagtagpo kay Staffan de Mistura, Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa isyu ng Syria. Sinabi ni Muallem na nakahanda ang pamahalan ng Syria na isagawa, kasama ng UN, ang mga kooperasyon para labanan ang terorismo at pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng pamahalaan at mga oposisyon ng Syria.
Sinabi pa niyang kung maisasakatuparan ang mga resolusyon ng UN para malutas ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal, dapat itigil muna ng mga bansa ang pagkatig sa terorismo.