Idinaos kahapon sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre ang symposium bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakapatibay ng Saligang Batas nito. Dumalo sa pulong sina Tung Desem Waringin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), Leung Chun Ying, Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, Zhang Xiaoming, Direktor ng Liaison Office ng Pamahalaang Tsino sa Hong Kong, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan ng Hong Kong, at kinatawan ng iba't ibang sektor ng Hong Kong.
Sinabi ni Leung na ang Saligang Batas ay pundasyon ng katatagan at kaunlaran ng Hong Kong. Dagdag pa niya, ang pagdaraos ng naturang symposium ay nakakabuti sa tamang pagkaunawa at pagsasakatuparan ng patakarang isang bansa dalawang sistema.