|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur, Malaysia—Nakatakdang ipatalastas ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang rebisadong budget ng bansa para sa 2016 dahil sa bumabang pambansang kita na dulot ng pagbaba ng presyo ng langis sa daigdig. Si PM Najib ay nagsisilbi ring Ministro ng Pinansya ng bansa.
Sa pakikipagpulong sa mga miyembro ng Ministri ng Pinansya, Enero 8, 2016, sinabi ni Najib na iniharap ang inisyal na budget para sa 2016 noong Oktubre 2015, nang manatiling nasa 48 dolyares ang presyo ng isang bariles ng langis, pero, sa kasalukuyan, bumaba aniya hanggang sa 30 dolyares ang presyo kada bariles ng langis.
Ang Malaysia ay ikalawang pinakamalaking oil producer ng Timog-silangang Asya.
Ipinagdiinan ni Najib na sa kabila ng hamon sa 2016, matitiyak ng kanyang pamahalaan ang kapakinabangan ng sambayanan at patuloy na paglaki ng kabuhayan ng Malaysia.
Tinataya niyang mananatiling matibay ang paglaki ng kabuhayan ng bansa sa 2016 at ito ay nasa bahagdang 4% hanggang 5%. Mananatili rin aniyang mababa ang inflation rate sa bahagdang 2% hanggang 3%.
Noong unang siyam na buwan ng 2015, umabot sa 5.1% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng 2014.
Tapagpagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |