Ayon sa Xinhua News Agency, sa isang news briefing noong Huwebes, Enero 14, 2016, sinabi ni Tito Karnavian, Jakarta Police Chief, na isang Indonesian ang nakipagsabwatan sa "Islamic State (IS)" upang isagawa ang pagpapasabog na naganap nang araw ring iyon sa Jakarta.
Sinabi pa ng police chief na layon ng pananalakay na ito na ipakita ng nasabing Indonesian ang kanyang katapatan sa IS upang siya ang maging kinatawan nito sa Indonesia.
Ayon pa sa ulat, inako ng IS ang responsibilidad sa naturang pagsabog nang araw ring iyon.
Salin: Li Feng