NAGPASALAMAT at pinuri ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Korte Suprema sa desisyon nito sa legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Estados Unidos.
Mapakikinabangan ng Pilipinas ang EDCA upang mapaganda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa East West Center International Conference sa Manila Hotel kanina.
Sa pagkakaroon ng EDCA, masusubukan ng Pilipinas ang makabagong kagamitan at masusubukan kung gaano ito makatutugon sa pangangailangan ng bansa. Idinagdag pa niyang matututo ang Pilipinas sa lakas at sa kakulangan ng mga makabagong kagamitan.
Sa kabilang dako, matututo rin ang America sa Pilipinas kung paano makakatugon sa pangangailangan ng walang sapat na kagamitan. Mabibigyang diin ang "inter-operability" dagdag pa ni G. Aquino.