ITINAAS ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang alert status ng kanilang mga tauhan sa buong bansa matapos ang malagim na pangyayari sa Jakarta kahapon.
Nagkaisang naglabas ng pahayag ang dalawang tanggapan kahapon ng hapon. Sa kanilang pajhayag, sinabi ng AFP at PNP na batid ng kanilang mga tauhan ang naganap sa ibang bansa at sa napipintong banta.
Nagsasagawa na umano sila ng mga pagpapatrolya at ibang mga operasyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng kahalintulad na kaguluhan.
Nanawagan din sila sa mga mamamamayan na maging mapag-bantay at tumulong sa mga alagad ng batas at mapigilan ang magulong pangyayari. Sa pamamagitan ng pagbabayanihan.
Idinagdag ni Col. Noel Detoyato, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na nakatuon sila sa military operations sa iba't ibang bahagi ng bansa.