Ipinahayag kahapon ni Li Keqiang, Premyer Tsino, na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba pang mga kasaping bansa ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na pasulungin ang pag-unlad ng AIIB patungo sa pagiging isang propesyonal, epektibo, at malinis na multilateral na bangko.
Ito aniya ay dapat igiit ng lahat ng mga kasaping bansa ng AIIB ang prinsipyo ng bukas, at transparent, at sundin ang mga itinakdang responsibilidad at obligasyon.
Dumalo kahapon si Li sa pulong ng pagkakatatag ng Lupon ng AIIB. Sinabi ni Li na ang konstruksyon ng mga imprastruktura at interconnectivity sa Asya ay makakatulong sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong ito at proseso ng integrasyong pangkabuhayan.
Sinabi rin ni Li na ang AIIB ay makakabuti sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig. Dagdag pa niya, ang AIIB ay magdudulot ng mga aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan.