|
||||||||
|
||
Kapuwa ang Tsina at UAE ay magbubuhos ng kalahati ng nasabing 10 bilyong dolyares na pondong pangkooperasyon.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda ng kaukulang memorandum ng pondo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Sheikh Mohammed Bin Zayed Al-Nahyan, Crown Prince ng UAE.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Xi, ipinahayag ni Sheikh Mohamed ang suporta at kahandaang makilahok ang UAE sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran. Nakahanda rin aniya ang UAE na gumanap ng aktibong papel sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sina Pangulong Xi at Crown Prince Sheikh Mohammed Bin Zayed Al-Nahyan ng Abu Dhabi, United Arab Emirates, sa Beijing. Larawang kinunan Dec. 14, 2015. (Xinhua/Lan Hongguang)
Ito ang ikatlong pagdalaw ni Crown Prince Sheikh Mohamed sa Tsina.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |