Opisyal na naitatag ngayong araw, Biyernes, ika-25 ng Disyembre, 2015 sa Beijing ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Kaugnay nito, sinabi ni Lou Jiwei, Ministrong Pinansyal ng Tsina, na ito ay isang mahalagang pangyayari sa reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa sa kabuhayan. Dagdag niya, ang AIIB ay mabuting komplemento sa kasalukuyang mga multilateral na development agency, at magdudulot ito ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result sa mga bansa ng Asya at buong daigdig.
Salin: Liu Kai