Makikita sa website ng Pamahalaang Biyetnames ang ulat tungkol sa kalagayan ng mga negosyo ng bansa na may-kinalaman sa pagpoproseso at paggawa na sinulat kamakailan ng Ministri ng Pagpaplano at Pamumuhunan ng Biyetnam. Ayon dito, ipinalalagay ng 91.1% ng ganitong mga bahay-kalakal, na ang bilang ng makukuhang order sa kasalukuyang taon ay mas malaki kumpara sa taong 2015. Tinaya rin ng halos 90.8% ng mga bahay-kalakal, na sa taong ito, lalaki ang bilang ng mga export orders, at sasalubungin ng processing and manufacturing industry ng bansa ang mainam na tunguhin ng pag-unlad.
Ipinalalagay din ng nakakaraming bahay-kalakal ng Biyetnam, na sapul nang isagawa ang "Batas ng Bahay-kalakal" at "Batas ng Pamumuhunan" noong isang taon, patuloy na bumubuti ang kapaligiran ng pagpoprodyus at negosyo, lumaki ang output ng mga bahay-kalakal, at nasa matatag na lebel ang gastos sa produksyon.
Salin: Li Feng