Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag sa Beijing ngayong araw, Enero 18, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na mag-adhere sa patakarang isang Tsina, at gumawa ng mga bagay na nakakatulong sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang.
Ayon sa ulat, bibiyahe si William J. Burns, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa Taiwan sa malapit na hinaharap. Ipinahayag ni Hong na nagpahayag ang panig Tsino ng pagkabahala sa panig Amerikano hinggil dito.
Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang mga suliranin ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng