Si AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN
Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na ang ASEAN Community ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa kooperasyon ng ASEAN at Tsina.
Tinukoy ni Mochtan na pagkaraang itatag ang ASEAN Community, ang regional connectivity ay nagiging isa sa mga pangunahing gawain ng ASEAN, at sa ilalim nito, lalong pang magkakaroon ng mga kooperasyon ang ASEAN at Tsina. Dagdag ni Mochtan, sa pamamagitan ng magandang kooperasyon sa Asian Infrastructure Investment Bank, nakita niya ang inisyal na bunga ng pagbibigay-tulong ng Tsina sa connectivity ng ASEAN.
Iminungkahi rin ni Mochtan na palakasin ng ASEAN at Tsina ang kooperasyon laban sa terorismo. Dahil aniya, ito ay may-kinalaman sa komong interes ng dalawang panig, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai