|
||||||||
|
||
Islamabad, Pakistan—Di-kukulangin sa 22 katao ang napatay, at mahigit 40 iba pa ang nasugatan sa isang teroristikong pag-atake na naganap nitong Miyerkules, ika-20 ng Enero, sa isang unibersidad sa Charsadda distric ng Lalawigang Khyber Pakhtunkhwa, Pakistan.
Isang teroristikong pag-atake ang naganap nitong Miyerkules sa Bacha Khan University sa Charsadda distric ng Lalawigang Khyber Pakhtunkhwa, Pakistan
Bullet holes sa Bacha Khan University sa Charsadda, hilagang kanluran ng Pakistan, labi ng pag-atake nitong Miyerkules.
Ayon sa ARY, isang Urdu TV channel sa lokalidad, naganap ang naturang pag-atake habang idinaraos ang seremonya bilang paggunita kay yumaong Bacha Khan, kilalang lider na pulitikal ng bansa. Ipinangalan sa kanya ang nasabing unibersidad.
Nagtitipun-tipon ang mga residenteng lokal sa labas ng Bacha Khan University pagkaganap ng pag-atake.
Sa labas ng Bacha Khan University, nakikidalamhati ang isang lalaki sa kanyang kamag-anakan na nasawi sa teroristikong pag-atake.
Pagkaganap ng insidente, matinding kinondena ito ni Punong Ministro Nawaz Sharif ng Pakistan, at ipinatalastas ang isang-araw na pambansang pagdadalamhati sa Huwebes.
Mga sundalong Pakistani na nagpapatrolya sa Bacha Khan University pagkaganap ng teroristikong pag-atake.
Umamin ang isang grupo ng Tehreek-e-Taliban Pakistan na siyang may kagagawan ng naturang pag-atake.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |