Di-kukulangin sa 54 na katao ang nasawi sa insidente ng pambobomba na naganap kahapon ng hapon sa isang Muslim Temple sa Shikarpur ng lalawigang Sindh sa dakong Timog ng Pakistan. Samantala, mahigit 50 ang nasugatan sa naturang insidente.
Kinondena ni Nawaz Sharif, Punong Ministro ng bansang ito, ang naturang insidente. Hiniling din niya sa mga departamento na magkaloob ng pinakamagandang serbisyo para sa mga nasugatan.
Ayon sa ulat ng media sa lokalidad, inako ng Jundallah, isang teroristikong grupo, ang responsibilidad sa naturang insidente.