|
||||||||
|
||
SINABI ni Comelec Chairman Andres Bautista na makakasama ang pangalan ni Senador Grace Poe sa balota para sa halalan sa darating na Mayo kung walang desisyon ang Korte Suprema sa mga usaping humihiling na matanggal siya sa talaan ng mga kandidato pagsapit ng unang araw ng Pebrero.
Makakasama ang pangalan ng kontrobersyal na senadora kung walang anumang kahihinatnan ang oral arguments pagsapit na Lunes, unang araw ng Pebrero.
Ipinaliwanag ni Chairman Bautista na sa oras na dumating ang panahon ng paglilimbag, kikilalanin nila ang situwasyon at posisyong legal.
Nagsimula ang oral arguments sa Korte Suprema sa disqualification cases kahapon upang pag-usapan ang dalawang desisyon ng Commission on Elections na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy para sa panguluhan.
Ang tatlong oras na pagtatanong ay nakarating lamang sa anim na mahistrado at sa abogado ni Senador Poe na si Alexander Poblador.
Bibigyan ng sapat na panahong magsalita sina Comelec Commissioner Arthur Lim at Rowena Guanzon at ang mga private respondent na sina Atty. Estrella Elamparo at dating Senador Francisco Tatad sa pamamagitan ng kanyang abogado, political science professor Antonio Contreras at dating law school dean Amado Valdez.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |