|
||||||||
|
||
UMAABOT sa 88% ang collection efficiency ng Social Security System. Ito ang sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. sa isang pahayag.
Pinabulaanan niya ang balitang umaabot lamang sa 38% ang kanilang koleksyon.
Naunang sinabi ni Congressman Neri Colmenares na ang dahilan ng kawalan ng kakayahang dagdagan ng P 2,000 ang pension ay sa kababaan ng koleksyon.
Ani G. de Quiros, ang collection efficiency ay ang halaga ng mga kontribusyon na nakolekta ng SSS kung ihahambing sa 'di pa nakokolektang halaga. Hinahati ang mga kontribusyon ng collectible amount, dagdag pa ni G. de Quiros.
Ayon sa 2013 Commission on Audit report, ang SSS employer delinquency ay umabot sa P13.5 bilyon. Kumakatawan ito sa halagang dapat ay nakolekta na mula sa mga employer tulad ng kontribusyon ng mga kawani.
Sa taong 2013, ang SSS contribution collections ay umabot sa P103.1 bilyon kaya tang total collectible amount ay P116.6 bilyon kabilang na ang kakulangan na P13.5 bilyong employer delinquency.
Magiging paksa sa Tapatan sa Aristocrat sa Lunes ang kontrobersya sa likod ng Social Security System.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |