NILIWANAG ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na walang anumang autorisasyon si Lt. Col. Ferdinand Marcelino na magsagawa ng drug operation.
Inilabas ni PAOCC executive director Reginald Villasanta ang pahayag na nagsasaad na hindi at hindi kailanman naitalaga sa PAOCC. Walang anumang operasyon ang kanilang tanggapang kinasasangkutan ni Lt. Col. Marcelino.
Ito ang reaksyon ni Villasanta sa mga ulat na si Marcelino na naglingkod bilang director ng Special Enforcement Service noong 2005 na nagsasagawa siya ng opisyal na operasyon sa kautusan ng Palasyo ng madakip ng mga autoridad sa isang apartment sa Maynila.
Magugunitang si Marcelino na isang Marine officer na nasa ilalim ng Philippine Navy, ay tumangging sangkot siya sa mga sindikato ng droga at sa illegal operations sapagkat nagsasagawa siya ng lehitimong intelligence project upang alamin ang katotohanan sa impormasyong kanilang natanggap.
Nadakip ng pinagsanib na mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police si Marcelino at isang sinasabing Tsino kahapon at nakasamsam ng may P320 milyong halaga ng shabu.