Dumating kahapon sa Tehran, kabisera ng Iran, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para isagawa ang dalaw pang-estado sa bansang ito.
Sa paliparan, sinabi ni Xi na kinakaharap ng Tsina at Iran ang bagong pagkakataon ng pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, na pahigpitin, kasama ng Iran, ang bilateral na relasyon at mga aktuwal na kooperasyon.
Umaasa rin si Xi na tatalakayin, kasama ng mga lider ng Iran, ang mga isyu hinggil sa relasyon ng dalawang bansa, at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.