Ayon sa Xinhua News Agency, sa Temple of Luxor, magkasamang dumalo kahapon, Enero 21, 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto, sa selebrasyon ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at seremonya ng pagbubukas ng Taong Pangkultura ng Tsina at Ehipto sa 2016.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang Tsina at Ehipto ay kapwa may sinaunang sibilisasyon. Dapat aniyang palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitang pangkultura, palalimin ang pagkakaibigang di-pampamahalaan, patibayin ang pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan sa kooperasyon ng dalawang bansa. Ito ay naglalayong mapasulong ang komong pag-unlad, at komong kasaganaan ng dalawang bansa, dagdag niya.
Ipinahayag naman ng Pangulo ng Ehipto ang kahandaan ng kanyang bansa na palalimin ang pagpapalitan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng