Kaugnay ng dalawang araw na dalaw pang-estado sa Iran ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinahayag ni Abbas Solmanpur, mananalisik ng Institute ng Akademiko at Estratehiya ng Ministring Panlabas ng Iran, na ang pagdalaw ni Pangulong Xi ay magpapasulong nang malaki sa relasyon at mga kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan.
Kaugnay ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" initiative, sinabi niyang winewelkam ng pamahalaan ng Iran ang naturang proyekto ng Tsina at aktibong lumahok sa mga gawaing paghahanda para rito.
Bukod dito, sinabi niyang gumanap ang Tsina ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng paglutas sa isyung nuklear ng Iran at pangangalaga sa katatagan sa Gitnang Silangan.