Kaugnay ng ulat na natuklasan ang pinaghihinalaang labi ng eroplano sa baybaying-dagat sa katimugan ng Thailand, ipinahayag ngayong araw, Linggo, ika-24 ng Enero 2016, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na kinukumpirma pa ng kanyang bansa ang ulat na ito. Dagdag niya, sa kasalukuyan, makakabuting huwag munang gumawa ng spekulasyon kung ang naturang labi ay galing sa Flight MH370 na bumagsak noong 2014.
Ayon sa ulat, 2 metro ang lapad at 3 metro ang haba ng naturang pinaghihinalaang labi ng eroplano. Ipinahayag ng panig Thai na susuriin ito ng mga eksperto, para magkaroon ng kumpirmadong imporasyon.
Salin: Liu Kai