Sa regular na pulong ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, na idinaos Biyernes, Enero 22, 2016, inilabas ang pahayag na nagbibigay-diin sa pagpapalalim ng human-centered urbanization para mapasulong ang pamumuhay ng mga mamamayan at ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Ayon sa pahayag, pagiginhawahin ng pamahalaang Tsino ang pagiging urbanite ng mga mamamayang taga-nayon.
Para rito, pabibilisin ng pamahalaang Tsino ang renobasyon ng mga shantytown at dilapidated building. Kasabay nito, ang mga pribadong pondo ay hihikayating mag-ambag para sa konstruksyon ng mga lansangan at underground pipelines.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio