Ayon sa Xinhua News Agency, isiniwalat ngayong araw, Enero 19, 2016, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina na noong isang taon, umabot sa mahigit 55 trilyong Yuan, RMB ang Fixed Assets Investment (FAI) ng buong bansa (di-kinabibilangan ng larangang agrikultural). Ito ay mas malaki ng 10% kumpara sa taong 2014.
Kabilang dito, lumaki ng 10.9% ang pamumuhunang ari ng estado; lumaki ng 10.1% ang pamumuhunang di-pampamahalaan, at ito ay katumbas ng 64.2% ng proporsiyon ng kabuuang pamumuhunan. Kung pag-uusapan ang industriya, magkakahiwalay na lumaki ng 31.8%, 8%, at 10.6% ang pamumuhunan ng primary industry, secondary industry, at tertiary-industry.
Salin: Li Feng