|
||||||||
|
||
Davos, Switzerland—Ipininid nitong nagdaang Sabado, Enero 23, 2016, ang apat-na-araw na Ika-46 na Taunang Pulong ng World Economic Forum (WEF). Ang tema ng kapipinid na WEF ay "Mastering of Fourth Industrial Revolution." Ito ang kauna-unahang pagkakataong iniharap ang konseptong "Fourth Industrial Revolution."
Sa apat na araw na pulong, mahigit 2,500 lider mula sa negosyo, pamahalaan, pandaigdig na organisasyon, civil society, akademya, at media ang nagtalakayan hinggil sa definition , katangian at iba pang may kinalaman sa Fourth Industrial Revolution.
Ayon sa mga kalahok, wala silang sinang-ayunang ispesipikong kahulugan ng Ika-4 na Rebolusyong Industriyal. Pero, sumang-ayon ang mga kalahok na may kinalaman sa digital technology ang Fourth Industrial Revolution at nagtatampok din ito sa integrasyon ng iba't ibang teknolohiya. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Klaus Schwab, Tagapagtatag at Executive Chairman ng WEF na masasabing ganap na babaguhin ng pinakahuling rebolusyong industriyal ang pamamaraan ng pamumuhay, trabaho at social interaction ng lahat ng mga tao. Ipinalalagay rin niyang ang bagong rebolusyong industriyal ay makakaapekto sa lahat ng mga sektor ng lahat ng mga bansa. Ipinagdiinan niyang ang idudulot nitong pag-asa at potensyal na panganib ay hihigit din sa dating tatlong industrial revolution.
Kaugnay ng papel ng Tsina, sinabi ni Zhao Houlin, Pangkalahatang Kalihim ng International Telecommunication Union (ITU) na sa kasalukuyan, pinasusulong ng Tsina ang inobasyong panteknolohiya sa pamamagitan ng mga pambansang programang gaya ng Internet +. Pinananabikan aniya niya ang ibibigay na ambag at isasagawang pakikipagtulungan ng Tsina sa ibang bansa sa panahon ng Fourth Industrial Revolution.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |