Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Huwebes, ika-14 ng Enero, ng World Economic Forum (WEF), ipinalalagay nitong ang posibleng depekto sa paglaban at paglutas sa isyu ng pagbabago ng klima ay magiging pinakamalaking nakatagong panganib sa taong ito.
Ang naturang ulat na tinatawag na "ulat hinggil sa mga nakatagong panganib ng buong daigdig," ay ika-11 ganitong ulat na inilabas ng WEF. Sa kauna-unahan namang pagkakataon, ang isyu ng kapaligiran ay nangunguna sa listahan ng mga nasabing panganib.
Ipinalalagay ng WEF na ang masamang epektong dulot ng panganib na ito ay mas grabe kaysa iba pang mga panganib na gaya ng malawakang pangwasak na sandata, krisis sa yamang-tubig, sapilitang paglipat ng matitirhan, at malaking pagbaba-taas ng presyo ng enerhiya.
Salin: Liu Kai