|
||||||||
|
||
NANAWAGAN si Archbishop Charles Maung Cardinal Bo, ang kinatawan ni Pope Francis sa pagdaraos ng 51st International Eucharistic Congress sa mga mananampalataya na sa daigdig na mas maraming mahihirap at nagugutom, hindi sasapat ang debosyon sa Diyos.
Ito ang buod ng kanyang mensahe sa libu-libong mga dumalo sa pagsisimula ng pandaigdigang pagpupulong sa Eukaristiya sa Cebu. Ipinaliwanag niyang natatapos ang Misa ng mananampalataya sa loob ng isang oras subalit ang Misa ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay hindi nagwawakas.
Hindi kailangang manatili sa loob ng simbahan sapagkat kailangang lumabas sa mga lansangan upang tumulong sa mga aba. Nahaharap umano ang lipunan sa matinding kahirapan, at iba pang mabibigat na suliranin.
Ayon umano sa United Nations Children's Fund (UNICEF), may 20,000 ang namamatay sa pagkatugom at kawalan ng sapat na sustansya sa daigdig sa bawat araw. Anang cardinal, ang pagkagutom o kawalan ng pagkain ay isang tahimik na malawakang pagpatay.
Ang pinakamatinding kasalanan ay ang makitang mamatay ang isang bata dahil sa pagkagutom, dagdag pa ni Cardinal Bo, ang Arsobispo mula sa Myanmar.
Hindi kailanman mapaghihiwalay ang Eukaristiya at ang mahihirap sapagkat ito ay panaginip at katotohanan. Nasa Eukaristiya ang Panginoong Jesus at isa ring panaginip sapagkat naglalaman ito ng pag-asa sa kinabukasan, ayon ka kay Cardinal Bo.
Magtatapos ang 51st International Eucharistic Congress sa darating na Linggo, ika-31 ng Enero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |