|
||||||||
|
||
HINDI naniniwala si Lt. General Eduardo Ano, commanding general ng Philippine Army na sangkot ang kanyang dating tauhan sa isang drug syndicate sapagkat sa pagkakakilala niya ay seryoso si Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa paglaban sa sindikato ng droga.
Ayon sa media reports, sinabi ni Ano na may krusada si Marcelino laban sa illegal drugs at galit sa mga sindikato. Ayon umano sa kanyang pagkakakilala, hinding-hindi siya magdududa sa integridad ng opisyal.
Hindi umano siya makakahusga sa pinakahuling pangyayari subalit sa kanyang pagkakakilala kay Marcelino, hindi siya masasangkot sa anumang drug trafficking case o sindikato.
Bagaman, niliwanag ni General Ano na mahirap magpahayag tungkol sa pinakahuling insidente lalo pa't may usaping inihahanda hinggil sa sinasabing raid at pagkakadakip sa opisyal.
Idinagdag ng Philippine Army commanding general na naglingkod si Marcelino bilang commander ng Military Intelligence Group (MIG) 4 noong ang general ang pinuno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines. Maganda umano ang nagawa ng opisyal.
Naglingkod din si Marcelino sa Philippine Drug Enforcement Agency noong kapanahunan ni General Dionisio Santiago.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |