Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahigit 458 libong turistang Tsino, bumisita sa Pilipinas noong 2015

(GMT+08:00) 2016-01-29 16:42:07       CRI

Sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Niel P. Ballesteros, Officer-In-Charge ng Department of Tourism (DoT)-Beijing Office, na ayon sa hindi opisyal na bilang, umabot na sa 458,358 turistang Tsino ang naitalang bumisita sa Pilipinas noong 2015.

Ayon pa kay Ballesteros, maari pang tumaas ang bilang na ito sa paglabas ng opisyal na datos mula sa Department of Tourism (DoT).

Niel P. Ballesteros (kanan) sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, kasama si Rhio Zablan (kaliwa)

Bukod dito, sinabi niyang noong 2013 ang bilang ng mga turistang Tsino na nagpunta sa Pilipinas ay 426,354.

Ito aniya ang siyang pinakamataas na naitalang Chinese tourist arrival, at ito ay nalamapasan sa taong 2015.

Ipinagmalaki rin ni Ballesteros na ang taong 2015 ay naging masaganang taon para sa turismo ng Pilipinas.

"Na-beat natin iyong 2015 target; kasi nga ang target lang natin ay 450,000," dagdag pa niya.

Bagamat, bumaba aniya ang Chinese tourist arrival sa 2014 dahil sa travel ban, talagang nakabawi naman ang turismo ng Pilipinas nitong 2015, at ito ay malaking development.

Para naman sa taong 2016, sinabi ni Ballesteros na ang target ay 550,000 Chinese tourist arrivals, pero, dahil sa patuloy na pagdami ng mga chartered flights patungong Pilipinas, mula sa China, maaring malampasan ito.

"Baka nga umabot pa tayo ng 600,000 Chinese tourist arrivals this year (2016)," aniya pa.

Mula sa buong mundo, ang target na tourist arrival ng Pamahalaang Pilipino sa taong 2016 ay 6 na milyon.

Popular na Lugar Panturista

Niel P. Ballesteros, habang inaanyayahan ang lahat sa isang salu-salo

Sinabi ni Ballesteros na isa pa rin sa mga pinaka-popular na Chinese tourist destination sa Pilipinas ay Boracay, dahil na rin sa bilang ng mga flights at tourism infrastructure na naroroon.

Pero, sa taong ito ang Cebu-Bohol, na may kabigha-bighani ring kagandahan ang binibigyang-diin ng DoT-Beijing Office.

"Handang-handa na ang Cebu at Bohol para tumanggap ng mga turistang manggagaling sa Tsina," aniya pa.

Hapunan Bilang Pasasalamat

Helen Anne S. GanThird Secretary at Vice Consul ng Philippine Embassy sa Beijing

Genesis Raenani Renos (kanan) at Joy Datoon (kaliwa) ng DoT Beijing Office

Idinaos noong January 27, 2016 ng DoT-Beijing Office sa China World Hotel ang isang hapunan bilang pasasalamat.

Mga handang pagkain

Dinaluhan ito ng mga personahe mula sa sirkulo ng turismo ng Tsina, opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, media, at mga kaibigang Tsino.

Reporter: Rhio Zablan

Photographer: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>