Ayon sa website ng ASEAN-China Center (ACC), ginanap sa Maynila kahapon, Enero 21, 2016, ang Ika-19 na Pulong ng mga Ministro ng Turismo ng ASEAN. Ang tema ng pulong ay "ASEAN: Isang Komunidad na May Sustenableng Pag-unlad."
Dumalo at bumigkas ng talumpati sa pulong si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC. Nananalig aniya siyang nakakatulong ang nasabing pulong sa pag-unlad ng industriya ng turismo ng mga bansang ASEAN. Dumalo rin sa pulong sina Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, at mga Ministro ng Turismo, mataas na opisyal ng iba't-ibang bansang ASEAN, at mga kinatawan mula sa United Nations (UN) World Tourism Organization, at iba pa.
Pinasalamatan naman ng mga kalahok ang ginagawang positibong ambag ng ACC para sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng turismo.
Salin: Li Feng