Nagpupulong ang espesyal na sugo ng UN at delegasyon ng pamahalaan ng Syria
Sinimulan kahapon, Biyernes, ika-29 ng Enero 2016, sa Geneva ang bagong round ng talastasang pangkapayapaan ng iba't ibang paksyon ng Syria.
Nang araw ring iyon, nakipag-usap si Staffan de Mistura, espesyal na sugo ng pangkalahatang kalihim ng United Nations sa isyu ng Syria, sa delegasyon ng pamahalaan ng Syria. Ipinahayag ng kapwa panig ang magandang inaasahan sa kasalukuyang talastasan.
Samantala, ipinahayag kahapon ng Higher Negotiating Committee ng paksyong oposisyon ng Syria, na nagpadala sila ng delegasyon sa Geneva, para lumahok sa naturang talastasan.
Salin: Liu Kai