|
||||||||
|
||
Nabawi kahapon, Enero 24, 2016 ng tropang pampamahalaan ng Syria ang Rabia, mahalagang bayan sa Lattakia, lalawigan sa gawing hilaga ng bansa. Nauna rito, ang lugar na ito ay kontrolado ng mga armadong grupo na kontra sa pamahalaan.
Ayon sa ulat, nitong ilang linggong nakalipas, matagumpay ang aksyong militar ng pamahalaan ng Syria sa gawing kahilagaan. Kasalukuyang umaabante ang hukbo ng pamahalaan tungo sa rehiyong panghanggahan sa pagitan ng lalawigang Lattakia at Idlib.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |