|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Seoul, kabisera ng Timog Korea, ang unang pulong ng mga ministro ng edukasyon ng Tsina, Timog Korea at Hapon.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga mga ministro ng edukasyon ng tatlong bansa na ang pulong na ito ay sumasagisag sa pormal na pagkakatatag ng mekanismo ng pulong ng mga ministro ng edukasyon ng tatlong bansa.
Sinang-ayunan din nila na komprehensibong pahigpitin ang mga kooperasyon sa higher education, professional education at basic education, sa pamamagitan ng nasabing mekanismo.
Ipinahayag ni Yuan Guiren, Ministro ng Edukasyon ng Tsina, na dapat pahigpitin ng tatlong bansa ang mga kooperasyon sa pagtuturo sa mga talento, pagpapasulong ng edukasyon sa inobasyon, at pagpapalitan ng mga paaralan sa isa't isa.
Sinang-ayunan din ng tatlong bansa na ang ikalawang pulong ng mga ministro ng edukasyon ay idaraos sa Hapon sa taong 2017.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |