Ayon sa Xinhua News Agency, upang mapasulong ang pagpapalitang Sino-ASEAN sa larangan ng edukasyong bokasyonal, naitatag sa Guangxi Teachers Education University noong Martes, Enero 12, 2016, ang Sentro ng Pananaliksik sa Edukasyong Bokasyonal ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag ni Qin Bin, Puno ng Departamento ng Edukasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, na ang pagkakatatag ng sentrong ito ay nakakatulong sa pagsasagawa ng reporma at pag-aaral sa patakaran sa pag-unlad ng edukasyong bokasyonal ng dalawang panig. Nakakatulong din aniya ito sa pagsasagawa ng pagpapalitang Sino-ASEAN sa larangan ng edukasyong bokasyonal.
Noong Setyembre, 2015, ginanap sa Nanning, Guangxi, ang Eksbisyon ng Edukasyong Bokasyonal ng Tsina at ASEAN sa 2015. Iminungkahi ng panig Tsino na dapat patuloy na palakasin ng Tsina at ASEAN ang mekanismo ng diyalogong pampatakaran, at dapat ding kompletuhin ang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan.
Salin: Li Feng