Sa resepsyon kahapon bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Chinese New Year, ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas, na kung magtutulungan ang Tsina at Pilipinas, siguradong magiging mas maganda ang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Zhao na ang pansamantalang kahirapan at hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay hindi nakakaapekto sa tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa mutuwal na kapakinapangan at win-win situation.
Umaasa aniya siyang sa taong 2016, buong sikap na pasusulungin ng dalawang bansa ang bilateral na relasyon at mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan.