Ipinahayag kahapon, Enero 18, 2016, ng isang opisyal ng Pilipinas na noong Enero 7, sa panahon ng paglipad ng eroplanong pansibilyan ng Pilipinas sa Thitu Island, binalaan ito ng hukbong pandagat ng Tsina sa pamamagitan ng radio channel. Ipinahayag din ng alkalde ng Kalayaan, Palawan na pinalayas din ng panig Tsino ang iba pang mga eroplanong pansibilyan at militar na dumaraan sa naturang lugar. Aniya, isinasapanganib nito ang kalayaan ng paglipad sa rehiyong ito.
Kaugnay nito, sinabi sa Beijing ngayong araw, Enero 19, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Thitu Island. Buong tatag aniyang tinututulan ng panig Tsino ang pagtatayo at pagdedeploy ng Pilipinas ng mga sandata sa naturang isla.
Salin: Li Feng