Ayon sa ulat ng China News, noong taong 2015, ang kabuuang bolyum ng direktang pamumuhuhan ng mga dayuhan sa Biyetnam (FDI) ay umabot sa 22.8 bilyong Dolyares na lumaki ng 12.5% kumpara sa taong 2014.
Ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan ng Timog Korea sa bansang ito ay umabot sa 6.7 bilyong Dolyares na katumbas ng 29.44% sa kabuuang bolyum ng dayuhang pamumuhunan. Kaya ang Timog Korea ay naging pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga dayuhang pamumuhunan sa Biyetnam nitong dalawang taong singkad.
Bukod dito, ang Biyetnam ay naging ika-3 pinakamalaking pamilihang pinagluluwasan ng mga produkto ng Timog Korea.