Ayon sa China News Service, muling naihalal kamakailan si Nguyen Phu Trọng, bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Enero 28, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinadala na ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mensaheng pambati kay Nguyen Phu Trọng. Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames, para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng mas malaking pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng