Ayon sa Xinhua News Agency, ipinadala ngayong araw, Enero 28, 2016, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mensaheng pambati kay Nguyen Phu Trọng sa muli nitong panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sa mensahe, ipinahayag ni Xi na sapul nang pumasok sa bagong siglo, natamo ng Biyetnam ang kapansin-pansing tagumpay sa usapin ng sosyalistang konstruksyon at reporma. Napapanatili aniya ang katatagan ng pulitika at lipunan ng bansang ito, mabilis at sustenableng umunlad ang kabuhayan, at walang humpay na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Biyetnames. Sa tumpak na pamumuno ng CPV, nananalig siyang walang humpay na susulong ang nasabing usapin ng Biyetnam, dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa panig Biyetnames. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Biyetnam para walang humpay na mapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng