Ayon sa China News Service, ipinahayag sa Washington kahapon, Pebrero 11, 2016, ni Ben Rhodes, National Security Adviser ng Estados Unidos, na ang konstruktibong relasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti sa katatagan ng rehiyong ASEAN.
Sinabi niya na ang mapayapang pag-ahon ng Tsina ay hindi lamang angkop sa interes ng Amerika, kundi angkop din sa interes ng rehiyon. Ito aniya ay nakakatulong sa ibayo pang pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan sa rehiyong ito.
Idinagdag pa niya na ang Amerika ay hindi "Claimant Country" sa isyu ng South China Sea. Umaasa aniya siyang mapayapang malulutas ng iba't-ibang may-kinalamang bansa ang isyung ito sa pamamagitan ng pandaigdigang batas.
Salin: Li Feng