Ipinahayag kahapon ni Ministrong Panlabas Julie Bishop ng Australia na hindi pa tinatanggap ng kanyang bansa ang imbitasyong iniharap ng panig Amerikano sa pakikilahok sa paglalayag sa South China Sea (SCS). Aniya pa, hindi lalahok ang Australia sa paglalayag na ginagawa ng Amerika.
Isiniwalat din niya na kasalukuyang bumibiyahe sa Tsina ang dalawang bapor pandigma ng Australia, at isinasagawa nila, kasama ng hukbong pandagat ng Tsina, ang practice with live ammunition. Aniya, ang hukbong pandagat ng Australia ay tanging hukbong dayuhan na nakilahok sa nasabing pagsasanay.
Nauna rito, ginawa rin ni Malise Payne, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Australia, ang katulad na paliwanag. Binigyang-diin niyang hindi makikisangkot ang Australia sa kasalukuyang aksyon ng tropang Amerikano sa SCS.
Salin: Li Feng