|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag na inilabas kamakailan ng Ministri ng mga Suliraning Panloob ng Singapore, mabilis na lumaki ang bilang ng mga kaso ng Internet crime nitong nagdaang tatlong taong singkad, sapul noong 2013.
Bukod dito, lumaki rin ang bilang ng mga naaresto dahil sa pagtanggap at pag-employ ng mga iligal na imigrante.
Sa kabila nito, sinabi ng pahayag na maganda pa rin ang pangkalahatang kalagayan ng kaayusang panlipunan. Naging pinakamababa sa kasaysayan nitong 20 taong nakaraan ang bilang ng mga marahas na kaso na may-kinalaman sa ari-arian ng mga indibiduwal na gaya ng pagnanakaw sa bahay at hijacking, anang pahayag.
Dagdag pa nito, bumaba rin ang bilang ng mga kaso ng panliligalig na dulot ng iligal na pautang.
Samantala, patuloy na lumaki ang bilang ng mga first drug addicts na may edad 29 taong gulang pababa.
Binigyang-diin ng nasabing pahayag na kinakaharap ng Singapore ang mga banta, lalo na ng terorismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |