Si Pangulong Thein Sein ng Myanmar
Ayon sa impormasyong inilabas ng Tanggapan ng Pangulo ng Myanmar nitong Sabado, ika-13 ng Pebrero, 2016, kinansela ni Pangulong Thein Sein ang kanyang nakatakdang biyahe sa Amerika para dumalo sa pulong ng mga lider ng Amerika at mga bansang ASEAN. Sa halip, dadalo sa naturang pulong si Pangalawang Pangulong Nyan Tun.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng nasabing tanggapan, sa kasalukuyan, nasa panahon ng paghalili ng rehimen ang Myanmar. Kinansela aniya ni Thein Sein ang kanyang biyahe sa Amerika para maigarantiya ang matatag at maalwang pagsasalin ng kapangyarihan.
Idaraos sa California, Amerika, ang pulong ng mga lider ng Amerika at mga bansang ASEAN, mula ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito.
Salin: Vera