Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Tourism (DoT), umabot sa 5.36 milyong person-time ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Pilipinas noong 2015. Ito ay lumaki ng halos 11% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ang unang beses na lampas sa 5 milyong person-time ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Pilipinas.
Ang Timog Korea, Amerika, Hapon at Tsina ay unang 4 na pinakamalaking pinanggagalingang bansa ng mga turista sa Pilipinas. Kabilang dito, ang 490,000 person-time na Tsino: ang bilang na ito ay lumaki ng mahigit 20% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at pinakamalaking bahagdan ng paglaki sa unang 12 pinaggagaling bansa.
Ayon sa DoT, ang dahilan ng mabilis na pag-unlad ng turismo ng Pilipinas ay ang kanilang promosyon, pagdalaw ng Santo Papa, pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation, at iba pa.
Salin: Andrea