Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas kahapon, Enero 28, 2016, sa Putrajaya ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na upang mapasulong ang industriya ng turismo ng bansa, mula unang araw ng Marso hanggang ika-31 ng Disyembre ng kasalukuyang taon, isasagawa ng kanyang bansa ang visa-ree policy sa mga turistang Tsino.
Sinabi rin ni Datuk Seri Dr AHMAD ZAHID Hamidi, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, na sa loob ng darating na limang (5) taon, umaasa ang kanyang bansa na makakaakit ito ng 8 milyong turistang Tsino bawat taon. Aniya, sa kasalukuyan, may halos 1.3 milyong person-time na turistang Tsino sa Malaysia kada taon.
Salin: Li Feng