Sa isang espesyal na simposiyum hinggil sa isyu ng Thailand at Tsina, umaasa ang mga kalahok na dalubhasang Thai na lalagdaan ang proyekto ng daambakal ng dalawang bansa sa taong 2016.
Sinabi ni Aksornsri Phanishsarn, dalubhasa mula sa National Research Council ng Thailand, na ang naturang proyekto ay magdudulot ng malaking kapakanang pangkabuhayan sa mga lugar sa dakong hilagang silangan ng bansa at magpapataas ng kakayahan ng transportasyon.
Ipinahayag naman ni Thitinan Pongsudhirak, dalubhasa ng Chulalongkorn University, na ang naturang proyekto ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa proseso ng interconnectivity at integration ng rehiyong ito.