Ayon sa impormasyon mula sa website ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa pamamagitan ng pagboto, pinagtibay kamakailan ng Komite ng Salapi ng Bangko Sentral ng Thailand ang pagpapanatili sa umiiral na 1.5% interest rate.
Ipinalalagay ng nasabing komite na ang umiiral na interest rate ng bansa ay nakakatugon, sa kabuuan, sa pangangailangan ng kasalukuyang pag-unlad ng kabuhayan, samantalang kinakatigan nito ang kahilingan ng mga patakaran ng pamahalaan. Ang mas mahalaga ay nagkakaloob ito ng sapat na espasyo para sa pagsasaayos at pagkontrol sa katatagan ng pinansya sa hinaharap, anila pa.
Salin: Vera