Ipinalabas kahapon ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina ang estadistika hinggil sa kalakalang panlabas noong unang hati ng taong ito.
Ayon sa estadistika, noong unang hati ng taong ito, ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina ay bumaba ng 6.9% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Samantala, pagdating naman sa buwanang estadistika, pagkaraan ng limang buwang pagbaba, nanumbalik sa paglaki ang halaga ng kalakalang panlabas noong Hunyo, at umabot sa 2.1% ang bahagdan nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Tagapagsalita Huang Songping ng nabanggit na administrasyon, na kinakaharap ng kalakalang panlabas ng Tsina ang mga masalimuot na elemento sa loob at labas ng bansa. Dagdag pa niya, ang lumitaw na paglaki noong Hunyo ay isang positibong palatandaan, at inaasahang magkakaroon ng matatag at mabuting tunguhin ang kalakalang panlabas ng Tsina sa huling hati ng taong ito.
Salin: Liu Kai