Dumating kahapon sa port ng Laem Chabang, Thailand, ang ika-21 komboy ng tropang pandagat ng Tsina na binubuo ng tatlong bapor na pandigma, para isagawa ang limang araw na mapagkaibigang pagdalaw sa bansang ito.
Sa panahon ng pagdalaw, magtatagpo ang mga opisyal ng tropang pandagat ng Tsina at Thailand para talakayin ang relasyon ng hukbong pandagat ng dalawang bansa, at kalagayan ng rehiyong ito.
Bukod dito, bibisita ang mga kawal ng Tsina sa mga lugar ng Thailand.
Ipinahayag ni Real Admiral Yu Manjiang, Komander ng plota ng Tsina, na ang naturang pagdalaw ay magpapasulong ng paguunawaan ng tropang pandagat ng dalawang bansa at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.
Pagkatapos ng Thailand, dadalaw rin ang plota ng Tsina sa Cambodia.