Sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa darating na Setyembre, idaraos ng Tsina at ASEAN ang Summit bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng dalawang panig.
Sinabi ni Hong na palagian at lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa ASEAN at winewelkam ang pagpapasulong ng ASEAN ng mapagkaibigang kooperasyon sa lahat ng mga dialogue partner.
Umaasa aniya siyang magkasamang palalalimin ng Tsina at ASEAN ang mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan para pataasin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.